Quezon Classified Ads

Quezon Classified Ads
http://www.qznclassifieds.com

Bidvertiser

Sunday, October 2, 2016

Review - Stone Gate Subdivision

Review - Stone Gate Subdivision





Accesibility and Location:

Stone Gate Subdivision is generally accessible. It is located along Diversion Road, Brgy. Domoit, Lucena City. Buses and jeepneys pass along so you can't miss it.

Amenities:

With concrete pavements, water supply, entrance gate and away from the hassle and noise of the city center, Stone Gate Subdivision offers a budget friendly living on a peaceful community.

Its location being a promising and booming commercial district in the City of Lucena, Stone Gate Subdivision is near gasoline stations, hotels, restaurants and other establishments nearby and along Diversion road. It is also the seat of a well-known hotel and resort in the City.

Grab your chance on availing a house and lot package at Stone Gate Subdivision and take advantage of living in a promising commercial district in the City!

Limited slots available..

For inquiries, e-mail at: inquiry@qznclassifieds.com

For more real estate reviews and classified ads, please visit: www.qznclassifieds.com

Showbiz is Politics, Politics is Showbiz

Showbiz is Politics, Politics is Showbiz
Image Source:
https://t2.ftcdn.net/jpg/00/30/28/37/400_F_30283777_d3LmVYhkaFfgkeHLOILJAL1oX1IO1RbU.jpg

Maaaring ang ilan po sa inyo ay nagtataka at nag-iisip kung bakit ganito ang pamagat ng sanaysay na ito. Siguro nga po, nais lamang ng inyong lingkod na magkaroon ng paghahambing sa dalawang aspetong ito na masasabing walang pinagkaiba ang isa’t-isa.
Sa mga panahong isinusulat ng inyong lingkod ang sulatin na ito, wala na sa isang taon at muli na naman tayong pipili at maghahalal ng mga mamumuno sa ating bansa.
Kahit hindi pa naman talagang panahon ng pangangampanya, nariyan na ang tila pagpaparamdam ng iba’t-ibang mga personalidad. Aminin na natin, hindi naman po siguro tayo mga mangmang hindi ba? Na ang mga napapanood natin ngayon sa telebisyon na mga advertisements, kahit wala ang mga salitang “VOTE” o “IBOTO” ay nangangahulugan ng kanilang intesyon sa pagtakbo sa darating na halalan. Parang mga pelikula o mga teleserye na may trailer kumbaga. Ginagawan ng HYPE. Nasa atin na nga lamang kung tayo ba ay magpapadala sa mga ganitong uri ng propaganda.
Ang isang pelikula o palabas, sinusukat ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng ticket sales o viewership na ipinapakita sa mga survey. Ang isang kandidato, kung marami ang boboto para sa kanya, ay sa malamang mahahalal siya sa pwesto. Numbers game ika nga, ito ang kalakaran at labanan. Pero hindi naman dito dapat natatapos ang lahat hindi ba? Ang isang pelikula o palabas ay dapat may naibibigay na aral sa mga manonood, tulad din ng mga nais maglingkod sa ating lipunan na dapat may tunay na magagawang maganda para sa bansa. Dinadaan lang kasi sa pasikatan ang lahat.
O ayan, speaking of pasikatan, ito marahil ang dapat nating tigilan – ang bulag na kasunuran o blind obedience. Mahilig lang din kasi tayong makiuso at sundan kung sino ang sikat. Sa mainstream showbiz, kapag marami kang followers sa social media at malakas ang hatak sa fans, ikaw yung makakapagconcert sa malalaking venue sa ating bansa, ikaw yung maraming projects at ikaw pa ang lead role dito. Dahil sikat ka, palagay mo ay box-office hit na agad ang mga magiging pelikula mo. Dahilan nga din na sa malakas ang hatak mo sa fans, yung tipong lahat ng iendorse mo ay tatangkilikin ng madla, sa malamang ay malakas ka din sa management. Sa pulitika naman, kung matunog ang iyong pangalan, palagay mo ay may pag-asa kang manalo sa halalan. Kasikatan, ito na rin siguro ang nagiging daan para sa mga actors-turned-politicians. Hindi naman masama para sa isang personalidad ang tumakbo sa halalan KUNG talagang may mabuti naman siyang intensyon na maglingkod sa tao. Siguro nga, dahil may exposure na sila sa telebisyon ay sa kanilang palagay may advantage na sila kung sakaling sila ay tatakbo sa darating na halalan.
Ilan ba sa mga nagdaan at mga kasalukuyang nakaluklok sa pwesto ang mga nanggaling sa showbiz? Isama mo na rin ang mga hindi nagwagi sa kasamaang palad? Marami-rami na rin hindi ba? Kahit hindi sa National level, marami rin sila sa local level.
Sa showbiz, may mga ekstra. Mga pang-background sa isang scene o saglit lamang lalabas upang maka-eksena ang mga bidang artista. Sa pulitika, ang dami ding mga ekstra. Yun nga lamang, ang pagka-extra nila ay sila ba ang nagmimistulang bida sa mga “ginagawa” nila. Alam ninyo naman siguro ang tinutukoy ko, mga tarpaulin ng mga pabati, mga official government vehicles, kahit nga ata sa simpleng kabaong o ataul eh naka-extra pa din. Mga EPAL nga naman oo.
May nabasa ako kung saan sinasabi na ang showbiz daw ay tila nagiging for-your-eyes only na lamang. Siguro, dahil hitsura na lamang ang bentahe dito. Maganda ka, gwapo ka, makinis ang kutis at “kutis-mayaman” (kadalasan mga maputi o mestisa look), sabi nga sa isang noontime show: “Artista na yan!”. May katotohanan naman hindi ba? Kung sino yung kaaya-aya sa paningin, siya yung maraming tagahanga. Para ding sa social media, pag maganda yung ipinost na picture, ang daming likes at comments. Dahil maganda, maraming friend requests. Naalala ko pa tuloy noong kasagsagan ng halalan, kinakapanayam ng mga reporter o tagapagbalita ang ilan sa ating mga kababayan. Nang tanungin kung sino ang kanilang ibinoto at kung bakit rin nila ibinoto ang kandidatong iyon, anak ng tokwa naman oo, ang sagot ay dahil sa gwapo o maganda daw ang kandidato. Ganyan ba tayo? Hitsura na lamang ang nagiging batayan natin sa mga tintangkilik at ihinahalal? (Kung ganyan ang ating pamantayan, ay sa malamang hindi nakapagtataka kung bakit ganito ang kinahihinatnan natin ngayon.)
Galit tayo kapag ang naihahalal na mga mamumuno sa ating lipunan ay hindi masyadong kwalipikado o incompetent ika nga, at gayun din ang mga walang ginagawa. Bago magturuan at magsisihan, hindi ba’t tayo na rin mismong mga botante ang naghalal at nagluklok sa kanila sa pwesto. Wala na rin iyang pinagkaiba sa showbiz. Tulad ng nabanggit, ngunit hindi naman po lahat ha, may mga “artista” na ang puhunan lamang ay ang kanilang hitsura. Maaaring hindi ganun kahusay sa pag-arte, sa pag-awit at sa pag-sayaw. Pero dahil nga gwapo at maganda, ayun, sila yung mga madalas na lumalabas sa mga teleserye at variety show. Simpleng mag-lipsynch lamang ng mga awitin katambal ang ka-love-team, makapagpa-cute sa harap ng camera, tili, hiyaw at kilig-much na agad tayo.
Matanong ko lang po, bakit pag mga mainstream na pelikula, pila-balde at box-office agad, samantalang ang mga independent films o mga INDIE, na kung tutuusin ay siyang mga binibigyan ng pagkilala at parangal sa mga international film festivals dahil sa kalidad ng mga pelikulang ito, ay nilalangaw po lamang sa mga sinehan? Minsang naglibot ako sa isang mall sa aming lokalidad, palabas ang isang Indie Film mula sa ating bansa, kasabay nito ang pelikulang mainstream. Mahaba ang pila sa mainstream na pelikula, karamihan sa mga nakapila, mga kabataan (sabagay dahil yung paborito nilang love-team ang bida sa nasabing pelikula) samantalang sa Indie Film, may paunti-unting pumapasok pero nanliliit kung ikukumpara sa bilang ng mga nakapila sa kabila.
Ang showbiz at pulitika, parehong paulit-ulit na rin lamang. Mga teleseryeng nire-revive para sa kasalukuyang henerasyon, na pagbibidahan ng mga sikat na artista ngayon. O hindi naman kaya, mga sikat na reality-show at franchises na gagawan ng “Pinoy” Version. Mga Korean, Mexican, Tsinovela na isasalin sa sariling adaptation o pinoy version ulit. Mga romantic comedy, love story at mga dramang tungkol sa mga kabit, love triangle at lahat na tila iisa lang din naman ang nagiging tema. Sa pulitika, paulit-ulit na bangayan ng ating mga “lingkod-bayan” ang ating napapanood. Kaya naman si Juan Dela Cruz, nagsasawa at natutulilig na.
Hindi na rin lingid sa parehong showbiz at pulitika ang mga heirarchy at monarchy na iyan. Kaya nga nagiging mainit na usapin sa kasalukuyan ang Anti Political Dynasty Bill. Sa parehong mundo ng pulitika at entertainment, hindi ba’t may mga angkan na “naghahari” sa mga larangang ito? Mag-anak at angkan ng mga pulitiko at artista. Kahit mga bagito o bagong henerasyon, madaling napapasok ang mga larangang ito dahil sa bitbit na apelyido. Sinasabing: “It runs in the family” o kaya “It’s in my blood” ika nga. Sa kasamaang palad, tila ginagawa nang negosyo o business ang pagaartista at kahit na ang pulitika.
Kaugnay ng pasikatan, nangyayari din sa magkaparehong laranangan ng showbiz at pulitika ang sympathy votes o dahil nadadala sa simpatiya ng taumbayan. Hindi ba’t bahagi na ng pagpili ng mga nananalo sa mga reality show at talent search at lahat na ang “TEXT VOTES”. Bagamat ang hangarin ng ganitong pamamaraan ay ma-involve ang taong bayan sa pagpapasya ng mananalo, hindi ba’t hindi rin maikakaila na isa itong marketing strategy upang kumita ang mga network ng telebisyon at mga Telco? May mga pagkakataon na sadyang deserving din naman ang mga
pinipili ng taumbayan at nagwawagi sa mga patimpalak, subalit may mga pagkakataon din namang nadadala lamang din tayo sa simpatiya o awa dahil sa “kwento ng buhay” ng mga kalahok, o kaya dahil na rin sa hitsura (dahil maganda o gwapo yung contestant). Ilang mga reality show contest winners na rin ba ang nagdaan at naglaho na lamang o ‘di kaya’y hanggang sa kasalukuyan ay hindi nabibigyan ng “big break” at nananatiling “B-lister” lang sa mundo ng showbiz? Sa usapang pulitika naman, may mga kandidato bang nagwagi dahil na rin sa nakuha ang simpatiya ng taumbayan?
Ang pulitika at showbiz, parang pareho din yatang pwedeng makahikayat ng mga tagahanga at tagasubaybay sa pamamagitan ng makukulay na mga pananalita at tugtugin. Sa entertainment at showbiz, maaaring ito ay mga punchline, catchphrases o tagline ng mga pelikula. Mga hugot lines at mga banat na nagiging salitain sa pangaraw-araw na pamumuhay. Sa mundo ng pulitika naman, maaaring ito ay mga campaign jingles o kaya mga campaign slogan. Mga makukulay na pananalita tulad ng: “Kung ano ang puno, siya ang bunga”, “Ipagpapatuloy ang laban na sinimulan” at lahat na ng istratehiya upang makumbinse at mahikayat ang mga botante. Mga campaign jingle na parang ipinagpilitan lang din sa saliw ng isang sikat na tugtugin kahit ang mga lyrics ng jingle ay hindi naman rhyme sa tunay na lyrics ng kanta. Dahil catchy, o kaya pinauso at ginagamit ng isang sikat na personalidad, sige sabay lang tayo at makikiuso. Gamit din tayo ng mga pinapausong catchphrase, punchline o anuman kahit minsan kung tutuusin ay wala namang saysay o kahulugan. Ganyan tayo eh.
Tunay na hindi panghabambuhay ang kinang ng isang bituin sa mundo ng showbiz. May mga pagkakataon pa nga na may mga personalidad na bigla na lamang nawawala bago pa man ma-establish ang showbiz career. Nawawala sila dahil sa maagang pagpanaw o talagang sinadya nang lisanin ang mundo ng showbiz (na malamang magkakaroon ng comeback sa mga darating na panahon). Siguro nga, para ma-immortalize ang isang showbiz career, kailangang mawala (as in pumanaw) ng isang artista sa tugatog o karurokan ng kanyang karera. Opinyon ko lamang po, kapag ang isang artista ay namatay sa tugatog ng kanyang kasikatan, kadalasan ay habang kabataan pa niya, ganoon na lamang ang hinagpis at panghihinayang ng mga tagahanga. Nariyan pa ang mga “what-if” scenarios, kung saan nagiging isang palaisipan at kanya-kanyang kuro-kuro sa magiging kahihinatnan pa ng karera ng yumaong artista kung hindi lang agad siya kinuha ng Dakilang Manlilikha.
Hayaan ninyo po akong magbigay ng sarili kong interpretasyon sa isang salawikain na kadalasan ay attributed sa isang movie franchise tungkol sa isang superhero. Sinasabi dito na: “Either you die a hero or you live long enough to see yourself become the villain”. Sa pagsasaliksik ay may kanya-kanyang mga interpretasyon tungkol sa quote na ito. Pero para po sa inyong lingkod, tila nababagay din ito sa buhay sa showbiz. Habang bata ka pa, makisig at matipuno, maganda at sexy, marami kang tagahanga. Sa puntong ito mararamdaman mong tunay ang pagiging isang artista. Dito pinakamakinang ang iyong bituin. Subalit isang realidad na lilipas ang panahon, tatanda ka, may darating na mga bagong pangalan sa industriya at sa kasamaang palad, malilimutan ka nila. Sa madaling salita, malalaos ka. Ewan na nga lang din ba kung bakit minsan ay tila ang sama ng pagtrato natin sa mga “laos” nang mga bituin, na ani mo’y mga kontrabida sa isang teleserye o pelikula. Hindi ba’t may mga pagkakataon na kung sakaling magparamdam na muli ang mga personalidad na ito, nasasambit natin na: “Buhay pa pala ito?” na para bang may pangungutya pa.
Tulad din ng nabasa kong komento sa social media, kung saan sinasabing ang Bansa daw natin ay takbuhan ng mga “laos” na mangaawit upang dito sa ating bansa ay makapagsagawa ng mga konsiyerto, siguro dahil sa kadahilanang ang mga namamayagpag sa kanilang bansang pinagmulan ay ang mga kasalukyang “mangaawit” o recording artists. Ewan nga lang din ba sa lipunan ngayon (hindi naman po lahat, pero may mga pagkakataon lalo na’t sa “younger generation”) na ang tingin sa awitin at mang-aawit na ang tugatog ng kasikatan ay tatlo, apat o limang dekada na ang nakalilipas ay “baduy” o “jologs”? Siguro nga kanya-kanya ding taste sa music yan. Pero hindi ba’t may mga pagkakataon din naman, na kapag ginawan ng cover o version ng kasalukyang sikat na recording artist ang mga “baduy” na awiting ito eh tinatangkilik din naman natin sabay sabi pang: “Ang ganda ng kantang ito”. Yung totoo, talaga bang nagandahan ka doon sa kanta o dahil kinanta lang ito ng idolo mo?
Masakit pero totoo, mabibigyan lamang ng pagkilala at appreciation ang mga naiambag ng mga “nalaos” na mga bituin na ito kapag sila ay pumanaw na. Saka lamang nabibigyan ng respeto at paggalang ngayong wala na sila. Siguro nga po “you cannot appreciate the worth of something until it is gone” o something like that, hindi natin malaman ang halaga ng isang tao o bagay hangga’t hindi ito nawawala sa atin. Kaya nga sana po, magsilbing aral ito sa ating lahat, na i-appreciate ang anumang meron o nagkaroon tayo. Sa mundo ng showbiz, bigyan ng pagkilala at respeto ang mga taong nagbigay ng daan sa kung ano ang industriya ngayon.
Ang pulitika po ganyan din. Habang mainit ang usapin, habang trending, ito ang laman ng mga diskusyon, kahit sa social media. Palilipasin lamang ang ilang panahon at lalamig din ang mga usaping ito. Darating at darating din na may isang bagong usapin na siya namang pag-uusapan sa mga pagkakataong iyon. Ang naunang mga usapin, “nalalaos” at nababaon sa limot. Ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa, huwag naman po sanang maging ganito – ang malaos na lamang at tuluyan nang malimutan ng mga kinauukulan at ng mga mamamayan.
Bilang pangwakas, ang showbiz at pulitika ay “bahagi” na ng ating pangaraw-araw na buhay, maliban na lamang siguro kung tayo ang magmimistulang mga ermitanyo at maninirahan sa mga kabundukan at kagubatan. Hindi ba’t, ang showbiz at pulitika, sila ang laman ng mga balita, sa pahayagan man o telebisyon at maging sa social media? Ang mga news programs sa telebisyon, hindi ba’t may showbiz na segment? Gayundin sa mga pahayagan, may blind item pa. Ang ating mga personalidad sa pulitika, parang showbiz ang sagot sa mga panayam sa kanila. Ang ating kultura o paraan ng pamumuhay sa kasalukuyan, mula sa mga hugot lines at lahat na, hindi ba’t ito ay impluwensya ng mga napapanood natin sa telebisyon?
Kung may “Separation of Church and State” sang-ayon sa ating konstitusyon (Article II Section 6 po), dapat siguro subukan din nating paghiwalayin ang larangan ng showbiz at pulitika. Mukhang imposible nga siguro, pero malay natin, baka magdulot ng pagbabago, sana makabubuti, sa ating lipunan.
Ang paghingi po ng paumanhin ng inyong lingkod kung may mga tinamaan sa mga halimbawang nabanggit, opinyon lamang po ang mga ipinahayag base na rin sa obserbasyon. Hanggang sa muli po at maraming salamat!

Monday, September 26, 2016

Review - Palmville Residences

Palmville Residences
A premiere community in Tayabas.

Accesibility and Location:
Located in Tayabas, Palmville Residences is accessible via Maharlika highway. It is just minutes away from eco-tourism road.

Amenities:
With concrete pavements, water supply an entrance gate and guard on duty and other amenities like clubhouse, you can enjoy a fun-filled and secured life in Palmville Residences.

It is a jeepney ride away from the City Proper of Lucena, minutes away from Diversion Road and there are also premiere communties and subdivisions nearby.



For more reviews, please visit www.qznclassifieds.com
For inquiries, you may send an e-mail to: inquiry@qznclassifieds.com

Review - 2205 City Height Condominiums

2205 City Heights Condominiums
The first of its kind in Lucena City and the Province of Quezon

Accesibility and Location:
Located in Lucena City, City Heights is very accessible. From the City Proper of Lucena, you can take Gomez St. going to Bonifacio Drive (formerly Gomez St. Extension), and just after crossing Iyam Bridge, you can't miss it.

Alternatively, if you are from Iyam Road / Maharlika Highway, just enter Heroes Lane (Pleasantville Subdivision) and follow the alternate route going to the City Proper of Lucena.

Amenities:
With an entrance gate and guard on duty, and an information desk, the building is highly secured. Its sales office is also nearby.

It is ideal for both residential and commercial purposes, as there are a few offices and establishments on its ground level. There is also a restaurant nearby.

It is indeed a prime location, just minutes away from the Heart of the City of Lucena, walking distance to a shopping mall and nearby establishments along Bonifacio Drive.



For more property reviews, please visit www.qznclassifieds.com
For inquiries, you may send an e-mail at inquiry@qznclassifieds.com

Review - Santa Veronica Village, Lucena City

Santa Veronica Village

Accesibility and Location:
Located in University Site in Lucena, Santa Veronica Village is easily accessible via jeepney, tricycle and private vehicles. Alternate routes from Diversion Road or Old Manila South Route will take you there.

Amenities:
With concrete pavements, perimeter fences and guard house, you can be rest assured that you and your family are safe and sound.

Santa Veronica Village is also walking distance from an Autonomous University in Lucena City and a Catholic Church. Within 10 minutes of driving, it will take you to a branch of one of the biggest shopping mall chains in the country. Within 20 minutes, it will take you to Lucena City Proper and to Diversion Road in just 5 minutes.

For more property reviews, visit www.qznclassifieds.com

For tripping schedules, you can send an e-mail at: inquiry@qznclassifieds.com



Thursday, September 22, 2016

"Tipikal" O Tunay Na Pilipino - Saang Panig Ka Kabilang?

Tipikal o Tunay na Pilipino - Saang panig ka kabilang?

DISCLAIMER: Ang nakasaad dito ay pawang opinyon lamang ng may-akda sa abot ng kanyang kaalaman at kakayahan. Maraming Salamat po!


Image Courtesy: Devian Art

Kamakailan lamang nang ipinagdiwang ng ating bansa ang paggunita sa ating kasarinlan. Sa araw na ito, umulan ng mga pahayag sa social media, mga kababayan natin na nagsasabing pinagmamalaki nila ang kanilang pagiging Pilipino. Maging ang mga tagapaghatid ng balita sa telebisyon ay nag-showcase ng mga pambansang pananamit na likas na gawang Pinoy. Nakatutuwang isipin na, kahit sa araw na ito man lamang, ipinagmamalaki ng ating mga kababayan ang kanilang pagka-mamamayan.

PROUD TO BE FILIPINO, sinasabi natin. Ngunit ang diwa, isinasabuhay ba natin?

Siguro, bilang paglilinaw, nais ko din po sanang bigyan ng kahulugan o buod kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang Pilipino.

Paumanhin po kung ang mga mababanggit ay may maselan na tema, ngunit ang mga ito ay hango sa obserbasyon ng inyong lingkod. Aminin din naman po natin na ang mga nababanggit ay tunay na nangyayari sa ating lipunan at hindi kathang-isip lamang, at kung minsan pa nga ay nagagawa natin ang mga ito sa ating mga sariling pamamaraan. Kung may tinatamaan po sa mga halimbawang nabanggit, ibig sabihin lamang po ay may katotohanan ang mga nais iparating hindi po ba?

Ang ilan din pong mga mababanggit ay tila naging halimbawa na rin sa mga naunang akda ng inyong lingkod, ngunit muling ginamit na halimbawa sa sanaysay na ito bilang pangsuporta at karagdagang detalye sa mensaheng nais iparating.

Sa mga panahong isinusulat ng inyong lingkod ang akdang ito, katatapos lamang magdiwang ng sambayanan ng paggunita sa kasarinlan. Gayundin, kasalukuyang nasa ibang bayan ang ating mga atleta upang makipagtagisan ng lakas at talento sa iba’t-ibang mga larangan laban sa iba’t-ibang mga atletang pambato ng ibang bansa.

Tulad ng mga paligsahan, natural lamang na may nabibigo at nagwawagi. Malungkot sa tuwing nabibigo ang ating mga atleta at masaya kung nagtatagumpay. Ang hindi ko lamang po mawari kung minsan ay ang pag-uugali ng ating mga kababayan sa tuwing may mga ganitong pagkakataon na magbigay ng karangalan sa at ipakilala ang ating bansa. Hindi po ba, sa social media na lamang, samu’t-saring mga komento mula sa ating mga kababayan ang ating nababasa. Sa tuwing nagtatagumpay ba ang ating mga manlalaro at mga atleta, tayo ba ay nagpapahayag ng pasasalamat at pagpupugay sa ating mga atleta para sa kanilang tagumpay at pagbibigay ng karangalan sa ating bansa, o sa halip na mga papuri ay pagbatikos ang ating ipinararating na sinasabing naka-tsamba lang o kaya hindi ganoon kahusay ang nakatunggali kaya nanalo? Kung nabibigo naman ang ating mga atleta, tayo ba ay nagpaparating ng simpatiya at pagpapalakas ng kanilang mga kalooban, o nangungutya pa tayo at sinasabing “buti nga sa iyo..”, “ang yabang mo kasi..”, “weak..”, “mahina..”, “bulok..” at lahat na.

Pahintulutan nyo po ang inyong lingkod na gawing halimbawa ang nakaraang FIBA WORLD CUP for BASKETBALL. Isa itong torneo o patimpalak na inabangan ng sambayanang Pilipino, dahil bukod sa kahiligan sa larong basketball, ay muli pagkalipas ng maraming taon makikilahok ang ating bansa sa patorneo ng naturang larangan. Alam naman po natin ang kinahinatnan nito at hindi ganoong pinalad ang ating koponan. Muling dumagsa ang iba’t-ibang komento sa social media, may mga nagpahayag ng suporta at pagbati sa ating koponan para sa kanilang ipinakita sa torneo, at siyempre naroon din ang mga pagbatikos. May mga sinisisi ang coach ng naturang koponan, o hindi kaya ang kawalan ng tamang diskarte sa huling bahagi ng bawat laro. Ang iisang panalo lamang sa paunang bahagi ng torneo. Tunay naman na may iba’t-ibang factors din kung bakit tayo nabigo, at may punto ang mga nagkomento kung kaya’t hindi nakamit ang inaasam na tagumpay, ngunit sana naman po tingnan din natin ang mabubuting bagay na naidulot nito para sa ating bansa.

Hindi po isang eksperto sa basketball ang inyong lingkod, naglalaro lamang ng isport na ito at masugid na tagahanga lamang. Subalit sa bawat laro ng ating koponan, hindi po sila tinambakan ng malaki ng mga nakatunggali nila, may mga pagkakataon pa nga po na dikit ang laban o di kaya lumamang din sa laro na sa palagay ko ay nagdulot din ng kaba sa mga nakatunggali. Yun nga lamang, talagang hindi pinalad at hindi naiselyado ng ating koponan ang panalo, na siyang ikinalulungkot at ikinadidismaya ng ating mga kababayan. Tulad ng nabanggit, ito po ang pagsabak muli ng ating bansa sa larangan ng basketball matapos ang mahabang panahon. Hindi po ba dapat na nating ikatuwa na nakalahok ang ating bansa sa prestihiyosong torneo na ito? Hindi ba’t dapat na rin nating ikatuwa na nabigyan natin ng maganda at kapana-panabik na laban ang ating mga nakatunggali, “we’ll not go down without a fight” ika nga? At higit sa lahat, ang respeto na nakuha natin mula sa mga dayuhang bansa dahil sa ipinakita ng ating mga atleta? Maaaring matalo ka sa isang laban o kumpetisyon, ngunit ang makuha mo ang respeto ng iyong katunggali ay isa na ring panalo para sa iyo.

Dahil nga sa mga kaganapang ito ay kanya-kanya ng mga opinyon at kuro-kuro sa social media. Dalawang panig ang nagtatagisan, mga sumusuporta o mga positibo, sa kabilang banda ay ang mga bumabatikos o mga negatibo. Palitan ng kanyang mga opinyon, na paglaon ay nauwi na sa bangayan. Sa naturang okasyon, o kahit sa ibang sitwasyon, sa tuwing nagpapalitan ng mga opinyon at kuro-kuro, may mga pagkakataon na gumagamit na ng mga ‘di kaaya-ayang salita na may murahan pang nagaganap. Nakalulungkot, Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Kung sa simpleng mga pamamaraan at bagay-bagay, tulad ng palitan ng opinyon at kuro-kuro sa social media, ay nagkakaganito na tayo, ano ang pinagkaiba natin sa mga “lingkod bayan” nating kinaiinisan dahil wala nang ginawa kung hindi ang magbangayan sa isa’t-isa? (Wala naman siguro, hindi ba..?)

Aling Pilipino ba tayo sa halimbawang nabanggit? Ang Pilipino na sumusuporta at nirerespeto sa kanyang kapwa o yung Pilipino na utak talangka at hinihila ang ating kapwa paibaba?

Mainit na isyu sa kasalukuyan ang pag-aagawan ng iba’t-ibang mga bansa sa mga teritoryo o isla sa karagatan. Kanya-kanya ang pagpapaliwanag at pagpapakita ng ebidensya sa pagangkin ng mga naturang teritoryo. Kaugnay ng usapin na ito ang ilang panawagan partikular sa social media ang pagboycott sa mga produktong gawa o galing sa isang malaking bansa sa Asya (na isa sa nakakaalitan ng ating bansa hinggil sa mga pinag-aagawang teritoryo). Maganda ang adhikain, ngunit may kahirapan gawin, sa kadahilanang karamihan sa mga produkto sa merkado ay gawa sa bansang ito. Gayunpaman, naroroon ang pagnanais na tangkilikin ang mga produktong gawang sariling atin. Pero matanong ko lamang po mga kababayan, pag dating sa mga gadgets at ano pang mga bagay at kagamitan, ano po ba ang mas tinatangkilik natin? Iyon po bang mga branded at galing sa ibang bansa o mga produktong gawang sariling atin? Kung sa bagay, dahil sa ang mga branded ay kilala dahil sa tibay at kalidad, ngunit may mga produkto rin naman tayong dekalidad at matibay sa mas mababang presyo.

Kamakailan ay nakita ko sa social media ang isang larawan kung saan ipinapakita dito ang isang magarang sasakyan sa ibang bansa na may mga simbolismo o insignia ng ating watawat at pagka-Pilipino. Sa unang sulyap, maiisip mo na ito ay pagpapahayag ng pagiging proud sa pagiging isang Pilipino ng may-ari ng sasakyan. Ngunit laking gulat ng inyong lingkod, nang mabasa ang caption o komento nag-share ng naturang larawan sa social media na nagsasabing kapalaluan, kahambugan o kayabangan daw ito ng mga kababayan natin sa ibang bansa. Kung ano man ang intensyon o nais iparating sa pagkakabit ng sticker o insignia sa mamahaling sasakyan, tanging ang may-ari lamang ang nakakaalam.

Pero aminin na natin, na minsan kaya mga mamahalin ang binibili at tinatangkilik natin kaysa mga gawang sariling atin ay bilang pagpapakita na rin ng ating kakayahan at kapasidad. Ipinagmamayabang, ipinagpapahili at ipinagmamalaki natin sa ating kapwa na mamahalin ang ating mga kagamitan dahil big-time na tayo. Sabi nga ng ilang mga nakatatanda, matalo na sa yaman huwag lamang sa yabang. Saka sinasabi rin na Money is power ‘di ba? Kapag may pera ka, malaya kang bilhin ang nais mo. Sa kasamaang palad, ang pera ay ginagamit din upang makaimpluwensya ng kapwa at may mga tao din namang handang magpagamit kapag pera na ang pinaguusapan.

Sa larangan ng telebisyon, musika at entertainment-in-general, wala namang duda na may likas at angking talino at talento ang mga Pinoy pag dating sa ganitong bagay. Hindi nga ba’t sa isang prestihiyosong Talent Search sa ating kontinente ay mga kababayan natin ang namayagpag. Nakakataba ng puso na nakikilala ang talentong pinoy sa mga banyagang kompetisyon. Ngunit nakalulungkot din na may isang kalahok sa kompetisyon na ito, na minsan ay sumali din sa ating pambansang bersyon ng contest na ito na noon ay hindi nagtagumpay. Blessing in Disguise na nga lamang siguro na maituturing.

Minsang nanonood ako ng isang music video countdown sa telebisyon, nataguringan pa namang ang channel ay likas na pinoy, ang namamayagpag sa mga countdown na ito ay ang mga awitin ng mga banyaga, mapataga-Kanluran man o mga kalapit-bayan natin dito sa ating kontinente. Gayundin sa mga palabas sa telebisyon, napanghihimasukan na ng mga palabas mula sa ibang bansa. Siguro nga, dahil na rin sa ating Colonial Mentality. Yun nga lang, ang ating kultura tulad ng pananamit at porma ay tila naiimpluwensyahan na ng mga banyaga. Ang ilan sa atin, nagpapakulay ng buhok kahit likas namang itim ang kulay ng buhok. Hindi naman mali o masama ang paminsan-minsan ay makinig, manood o gumamit ng mga produktong banyaga. Ang masama lang siguro ay ang labis nating pagka-humaling sa mga ganitong bagay na tinatalikuran na natin at hindi na tinatangkilik ang likas at sariling atin. Kadalasan kasi, kapag imported daw, big-time, astig. Kapag gawang lokal, cheap.

Sa mga halimbawang nabanggit, isa ka bang Pilipinong tumatangkilik sa mga produktong sariling atin o yung Pilipinong may Colonial Mentality na gusto lagi ay mga state-side at imported ang mga kagamitan?

Ang mga Pilipino ay may angking katapangan. Hindi nga ba’t dahil na rin sa katapangang ito kung kaya’t ipinagdiwang natin ang paggunita sa ating kasarinlan ilang araw (sa mga panahong isinusulat ng inyong lingkod ang akdang ito) lamang ang nakakaraan? Ang angking katapangan nating mga Pinoy ang siya ring nagiging dahilan kung bakit nakikipagsapalaran at nagtatagumpay sa iba’t-ibang larangan, sa loob o labas man ng ating bansa.

Paano nga ba natin ipinapakita natin ang ating katapangan? Siguro, dinadaan sa porma ng katawan. Kapag malaki ang pangangatawan, sino nga ba naman ang magnanais na bumangga sa mga taong ganito? Sa malamang ay gulpi ang aabutin nila kapag nagkataon. Ang iba, marahil, dinadaan sa lakas ng boses o sigaw at kung minsan pa nga ay gumagamit ng dahas. Hindi ba’t napapanood natin sa balita ang paggamit ng mga maaanghang na salita at pagbabangayan ng ating mga namumuno sa pamahalaan? Sa mga kilos protesta at demonstrasyon ng mga raliyista, ilan na ang nauwi sa batuhan, basaan, pukpukan, hilahan, tulakan, sa madaling salita ay sakitan? Oo ang mga ninuno at mga bayani natin noon ay nangailangang gumamit ng dahas, sa pamamagitan ng digmaan, upang makamit natin ang kasarinlan. Subalit hindi ba’t ang ating pambansang bayani ay mismong tumutol sa pagdanak ng dugo?

Pagninilay lamang po, kung tayo ay magpapalakasan lamang ng boses, magsisigawan, o kaya puno ng ingay ang ating paligid sa tuwing nakikipagusap tayo sa ating kausap, nagkakaintindihan ba tayo? Ang mga taga-kanluran, kung may kaalitan sila, gumagamit sila ng mga tama o angkop na salita upang ipahayag ang kanilang nararamdaman. Kung galit ang isang kampo, sasabihin nila na “I am angry”. Kung mas galit ang kabilang grupo, sasabihin nila “I am mad”. Maaaring rumesbak ang kabilang panig at sabihin nang “I am furious”. Bawat salitang ginamit, may kanya-kanyang degree ng nararamdaman. Samantalang dito sa atin, kung may kaalitan tayo, sisigaw ng “galit ako” sa tono ng boses na nagpapahayag ng galit. Sasabihin ng kaalitan “Mas galit ako!” sa mas malakas na boses.

Magpapalakasan na lamang sila ng boses para ipakita kung sino ang mas galit sa dalawa. Sa ibang mga bansa, may mga pagkakataon na napakapayapa ng kanilang mga rally at mga protesta. Simpleng nakatayo lamang sa isang pwesto, hawak ang kanilang mga plakard, nakasulat ang mga mensahe na nais nilang iparating. Ang mga pulis at alagad ng batas, nakabantay lamang. Walang nasasaktan habang naipararating ang mensahe. Bakit hindi po natin o-adopt ang ganitong estilo o pamamaraan ng mga kilos protesta?

Matanong ko lamang po, tunay bang naipararating ang mensahe sa mga kinauukulan o nareresolba ang mga alitan sa tuwing may nahahampas ng batuta sa ulo, nasusugatan sa mga bagay-bagay na ating itinatapon sa tuwing may mga rally o kaya habang nagkakatulakan at nagkakahilahan?

Nais naman natin ng kapayapaan hindi ba? Bakit hindi natin gamitin ang katwiran upang ipahayag ang ating mga saloobin. Pagkatakot ang ating mapapala mula sa ating kapwa sa tuwing gagamit tayo ng dahas o sindak. Hindi dahil natatakot sila sa atin ay nangangahulugang nirerespeto nila tayo. Hindi ba’t mas maganda kung tayo ay nirerespeto ng ating kapwa at hindi kinatatakutan?

Ilan pa pong mga halimbawa na may kaugnayan sa mga nabanggit nang mga bagay-bagay: Masakit pero totoo, aminin na po natin, na tayo po ay may pagka-double-standards. Ano po ang ibig kong sabihin? Galit na galit tayo sa pangbu-bully sa atin ng isang bansa dahil sa agawan sa teritoryo. Pero sa kabilang banda, mahilig din naman tayong mam-bully ng ating kapwa. Magkaiba man ng pamamaraan o degree, pero ang pambu-bully pa rin naman ang pinaguusapan. Nasasaktan tayo kapag sa palagay natin ay nayuyurakan at nalalait ang ating pagka-Pilipino. Normal lang na makaramdam tayo ng galit dahil sa kalapastanganang ito at ipinagtatanggol lamang natin ang ating mga sarili. Nariyan ang mga komento ng “RACIST” o yung tipong kalapastanganan sa lahi ng isang tao. Ngunit paano ba tayo gumaganti? Fight fire with fire ika nga?

Naaalala ko noong FIBA WORLD CUP OF BASKETBALL, patas tayong tinalo ng bansang GREECE. Talo pero hindi naman tinambakan at generally ay magiting na lumaban ang ating koponan. Nakalulungkot na matapos ang laro ay kumalat sa social media ang panlalait ng ating mga kababayan sa isang manlalaro ng GREECE na may cleft palate o bingot. Ganyan ba ang imahe na nais nating ipakita sa mga dayuhan at sa mundo? Hindi ba’t kinikilala tayo ng mga dayuhan bilang isa sa pinakamagiliw na mga tao sa mundo? Sa simple nating mga pamamaraan ay sinisira natin ang malinis at maayos na pagtingin sa atin hindi lamang ng mga dayuhan kundi pati na rin ng ating kapwa.

Ang mga Pilipino ay mahilig makiuso, sa palagay ko nga po ay totoo ito. Kapag may isang trending, viral, kumakalat sa social media, hindi tayo papahuli dahil takot tayong mapagiwanan. Sa palagay natin, kung hindi tayo makikisabay ay hindi tayo IN at hindi kabilang sa lipunang ginagalawan.

Matanong ko lamang po, kung ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa, kasama pa ang mga applications tulad ng Dubsmash at iba pang mga “hit”, “in” at “trending” na mga bagay-bagay ay gawa ng Pilipino, tangkilikin kaya natin ang mga ito?

Pagninilay lamang din po: Oo sunod tayo sa uso, kung ano na ang ginagawa ng karamihan lalo pa’t ginagawa na rin ng mga sikat tulad ng mga artista, sige ride-on lang tayo, makikiuso. Samantalang kung isang kababayan natin ang gustong gumawa ng isang trending na bagay, lalo pa’t kung isa lamang naman siyang ordinaryong mamamayan, hindi ba’t kinukutya natin siya sabay sabing: “Ano na namang pautot yan? Pauso!”? (O ayan, nanghihila na naman tayo ng ating kapwa paibaba). Sa sobrang bilis ng pagtakbo at pagbabago ng ating daigdig, ang anumang sikat o uso ngayon, maaaring bukas makalawa, sa isang linggo o sa isang buwan ay maaaring hindi na. Hindi ba’t iyan ang naging kapalaran ng ilang mga uso at sikat noon na “anyare” na ngayon? Sa ganitong diwa, hindi ba’t ang pagsunod sa uso at pagpapalit-palit ay nangangahulugan lamang ng kahinaan at karupukan ng ating katapatan o loyalty?

Sa diwa ng pamagat ng sulating ito, kung ang magiging pamantayan ay ang ating mga ninuno at ang kanilang mabubuting halimbawa, ang tunay na Pilipino ay yaong may pagmamahal sa sariling bayan, iginagalang ang ating kapwa - maging kababayan man o dayuhan at tumatangkilik sa sariling atin: Yung mga nagtataglay ng lahat o kahit ilan sa mga mabubuting halimbawa na nabanggit. Ninanais lamang po ng inyong lingkod na magkaroon ng comparing and contrasting ang ilang katangian natin. Wala pong perpekto na tao o nasyonalidad, lahat ay may kanya-kanyang kalakasan at kahinaan hindi po ba? “Typical” na lamang po ang napiling gamitin na terminolohiya dahil na rin po sa kasalukuyang panahon at sitwasyon, na sumasalamin sa ating lipunan. Muli po ang aking paalaala at paumanhin, na hindi ko naman po sinabing lahat ng mga Pilipino ay ganito o kapag sinabing PILIPINO ay kumakatawan na sa mga negatibong bagay na nabanggit. Tandaan lamang din po natin na laging may dalawang panig o mukha ang isang kwento, at hindi rin naman po natin maikakaila na ang mga elementong nabanggit ay nasa lipunan natin.

Kung may tinatamaan man, pasantabi na lamang po at patawad, kung sa inyong palagay ay biased o mapanghusga ang nasusulat. (Sadya namang mapanghusga ang ating lipunan hindi ba?) Ngunit tanggapin din po siguro natin ang hamon ng sulatin na ito na mas mangibabaw ang diwa ng pagiging tunay na Pilipino kaysa tipikal, dahil ang pagbabago ay magmumula rin naman po sa ating mga sarili.

Hanggang sa muli at maraming salamat po.

"Mahirap" Ang Pilipinas at Ang Mga Pilipino

"Mahirap" Ang Pilipinas at Ang Mga Pilipino

DISCLAIMER: Ang nakasaad dito ay pawang opinyon lamang ng may-akda sa abot ng kanyang kaalaman at kakayahan. Maraming Salamat po!


Image courtesy:
http://getrealphilippines.com/blog/wp-content/uploads/2011/04/poverty-manila.jpg


Pagkagising sa umaga, pinoproblema ni Juan Dela Cruz kung paano palilipasin ang isa na namang araw sa kabanata ng kanyang buhay. Isama mo pa dito kung paano niya bubusugin ang kumakalam niyang sikmura.

Habang nag-iisip si Juan, wala siyang magawa kundi ang bumuntong hininga na lamang at sambiting: “Haay.. Ang hirap ng buhay..!”

Makikita natin sila sa ating kapaligiran. Mga iskwater o mga informal settlers na bigla na lamang nagsulputan na parang mga kabute at patuloy ang pagdami sa bilang. Buti pa nga yung iba, may istruktura o “bahay” na matatawag, kahit barung-barong. Basta may apat na pader kahit gawa lamang sa plywood at saka bubong. Yung iba nga, sa ilalim
ng mga tulay o kaya mga kariton, dito lamang sila nakatira at ito na ang kanilang tahanan.

Tunay namang kalunos-lunos ang kanilang mga kalagayan. Tunay na nakakaawa kung sila ay titingnan.

Nakalulungkot isipin na ang ating inang bayan, tinataguringang “Perlas ng Silangan” ay minsang naging isa sa pinakamayayamang bansa sa ating rehiyon at kontinente. Ngunit sa kasamaang palad ay tila napapagiwanan na ang ating bayan ng mga progresibong bansa sa Asya.

Bagamat nababasa at napapakinggan sa mga balita ang umano’y patuloy na pag-ganda ng takbo ng ekonomiya ng ating bansa, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagsasabing hindi naman nila maramdaman ang epekto nito. Siguro nga dahil nariyan pa rin ang mataas na presyo ng mga bilihin, ang mataas na singil sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente, tubig, pati na ang gasolina at pamasahe. Isama mo pa ang walang kamatayang balita tungkol sa bangayan at pag-aaway ng mga namumuno sa ating bansa kung kaya’t hindi tayo tuluyang umasenso, kaya nga masasabi na nga lang natin na ang hirap ng buhay (sa Pilipinas).

Maaaring ang iba sa inyo ay nagtatanong kung bakit ganoon na lamang ang napili kong pamagat ng sanaysay na ito.

Ang paghingi ko po ng paumanhin kung sa tingin ninyo ay masyadong judgmental o biased ang aking opinyon o palagay. Sa abot po ng makakaya ng inyong lingkod ay sinubukang maging patas o walang anumang pinapaboran o kinikilingan ang mga mababanggit. Sinusubukan din ng inyong lingkod na walang pangalanan na sinumang tao o ahensya. Hindi ko rin po nilalahat o gine-generalize, dahil sadyang hindi naman lahat, may mangilan-ilan. Ngunit aminin naman po natin sa ating mga sarili na nangyayari din naman ang mga bagay na mababanggit. Tandaan din lamang po sana na ang mga nasusulat ay base na rin sa obserbasyon at karanasan ng inyong lingkod.

Ang mga bata mula sa mga mayayaman at may kayang mga pamilya, o kahit hindi mga bata, kung makipagusap sila sa kanilang mga kasamahan, kadalasan wikang ingles ang ginagamit. Gayundin, ang mga pasosyal na mga user sa social media, hindi ba kadalasan wikang ingles ang ginagamit nila sa pakikipagusap sa ibang mga user? Hindi naman masama ang mag-aral o gumamit ng lenggwaheng ingles dahil malaki rin naman ang kapapakinabangan natin dito, ngunit bakit nga ba natin pinipilit na gumamit ng ingles sa pakikipagusap kahit na sa mga kapwa Pilipino natin sa social media? Para ba magmukhang mga edukado tayo?

Tandaan, ang lenggwahe ay isang sangkap o pamamaraan lamang upang iparating ang ating mensahe. Ang mahalaga ay ang nilalaman nito. Ingles ka nga ng ingles, wala namang katuturan ang sinasabi mo, o hindi kaya mali-mali naman ang pagbuo mo ng pangungusap. Hindi ba’t sinasabi rin na ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop at malansang isda?

Ang mga Pilipino ay likas na matiisin at mapag-pasensya. Ika nga nila, patience is a virtue. Ang mga maimpluwensya, ang mga makapangyarihan, ang mga elite, hindi ba’t gagamitin nila ang kanilang mga koneksyon, mga backer, mga kakilala sa mga ahensya at mga opisina ng ating pamahalaan upang mapabilis ang proseso ng kanilang mga hinihingi. Hindi na kailangang maghintay sa mahabang pila sa labas, diretso na agad sa loob. Samantalang si ordinaryong Juan Dela Cruz, nagtitiis ng init at mahabang pila sa labas. Parang sasakyan lamang ang “serbisyo”, kelangan ng “panggasolina” upang mapabilis ang hinihingi. Ayos ano? Kahit na ang pinakatuwid na mga sistema ay bumabaluktot kapag pera na ang pinaguusapan.

Ang mga kababayan natin na nais makaranas ng kaginhawaan sa buhay, tinitiis ang mapahiwalay sa pamilya upang bigyang katuparan ang mga pangarap. Nangingibang bansa sila at doon nagtatrabaho, dahil sa mas malaki ang sweldo doon ay mas mabilis din nilang matutupad ang kanilang mga pangarap. Dahil nakatamasa na ng kaginhawaan bunga ng pagtatrabaho sa ibang bayan, nabibili na ang mga gusto, nag-iiba na ang porma, nag-iiba na rin ang tabas ng dila. Kung minsan pa nga, dahil may katagalan na rin ang kanilang pamamalagi sa bansang pinagtatrabahuhan, nag-a-apply na ng citizenship o alien residence. Dahil daw sa mas mabuti ang mga benepisyo doon, na may katotohanan din naman, pero tila kinakalimutan na at tinatalikuran ang pagiging Pilipino.

Ang mga nakagiginhawa sa buhay, dahil mas malaki ang budget nila, hindi ba’t mas nanaisin nilang bilhin ang mga branded kaysa mga gawang lokal o sariling atin? Hindi ba’t ibinabalandra pa nila ang kanilang mga damit, sapatos at bag na ang mga brand o pangalan ay yung tipong gawa ng at galing sa Europa o kaya sa Amerika? Sa mga gadget tulad ng mga cellphone at table, makakaasa siguro tayo na ang gamit nila ay yung mga may mansanas na logo o hindi kaya ay yung isang tanyag na brand na gawang Koreano. Ang mga nagtitipid o kaya kulang sa budget, ay magtitiyaga na lamang sa kung ano ang kayang bilhin, na kadalasan ay yung mga gawang lokal.

Siguro nga, pagdating sa kalidad, tibay at features, mas nakasisiguro ka sa mga mamahalin at branded. Pero matanong ko lang, hindi ba’t ang ikatatagal ng buhay ng isang kagamitan ay nakasalalay hindi lamang sa tibay ng piyesang ginamit kundi pati na rin sa pamamaraan ng paggamit? At saka, kaya rin naman makipagsabayan ng mga gawang lokal sa mga branded pag dating sa kalidad at tibay, sa mas mababang halaga, hindi ba?

Dahil na rin siguro, kapag gawang lokal ang mga kagamitan, nasa isip agad natin ay CHEAP. Ganun ba ang ating layunin sa pag dating sa mga kagamitan? Literal na nagiging accessory lamang at hindi iniisip ang functionality nito? Para ba may maipagmalaki at maipagmayabang tayo sa ating mga kakilala at mga kaibigan at sabihin na: Kaya kong bumili ng mga ganito kamahal na mga kagamitan?

Bilang isang may katagalan nang naglilingkod sa Simbahan at sa Parokyang kinabibilangan ng inyong lingkod, may ilang pagkakataon na rin po akong nakakasaksi sa mga kasalan. Kung ang isang ikakasal ay nagmula sa mayaman at prominenteng pamilya, kadalasan ang suot ng ikakasal na lalaki at ng kanyang mga abay na kalalakihan ay coat-and-tie, suit o americana. Kung galing sa hindi-kayamanang pamilya, simpleng barong tagalog ang kanilang suot. Sa mga medyo may edad ko na rin lamang nakikita ang pagsusuot ng barong tagalog sa mga okasyon tulad ng kasal, partikular sa mga ninong at ninang pati na ang mga ama ng ikakasal. Bibihira lamang at ika nga ay mabibilang sa mga daliri ang mga pagkakataon na nakakita ako ng nagsuot ng barong tagalog sa ganitong okasyon.

May ilang mga okasyon tulad ng mga kapistahan na rin pong nadaluhan ang inyong lingkod at hindi rin maiwasan na magkaroon ng ilang paghahambing. Sa kapistahan sa mga siyudad o kaya sa mga subdibisyon, kadalasan magpapa-catering services na lamang para makaiwas sa pagod. Kapag nariyan ang mga bisitang big-time, may sarili silang pwesto o table. Samantalang sa mga pa-piyesta sa mga linang, yung mga pistang bukid ika nga, boodle-fight ang set-up. May isang lamesang nilatagan ng dahon ng saging at doon nakahain ang mga ulam, kanin at mga kakanin at panghimagas at doon nagsasalu-salo ang lang ng mga nakikipista.

Eto pa, pag dating sa paglalaro. Ang mga bata mula sa mga mayayaman at can-afford na mga pamilya, ang laruan at kalaro ng mga iyan, kadalasan ay mga laptop, tablet at smartphone. Nakababad sa harap ng telebisyon o kaya ng computer at laging naka-log-in sa kanilang mga social media accounts. Dahil na nga rin siguro sa teknolohiya tulad ng libreng wi-fi, pisonet at iba pa kung kaya’t pati na rin ang ordinaryong batang juan ay may pagkakataon nang makapag-laro ng DOTA, computer games at magkaroon ng social media account. Sa aking lugar na kinatitirhan at kinalakihan, bibihira kong makita ang mga bata mula sa mga mayayamang pamilya na naglalaro sa kalsada. Ang mga nakikita kong naglalaro, kadalasan ay mula sa mga mahihirap na pamilya. Siguro nga dahil wala naman silang kaukulang budget para pambili ng mga modernong gadget.

Ang pamagat ng sanaysay ay literal at patalinghaga. Mahirap ang ating bansa. Dahil na rin sa hindi maramdamang pag-unlad, sa mataas na presyo ng bilihin at lahat na. Patalinghaga dahil sa ang ilang mga kultura o pamamaraan ng pamumuhay na nagpapakita ng ating pagka-Pilipino ay mas nakikita ng inyong lingkod sa mahihirap kaysa mga nakaluluwag sa buhay. Hindi ko naman po sinasabing hindi ka na Pilipino kung ang iyong mga gadget ay branded, kung ikaw ay nagsasalita ng ingles, kung ikaw ay nagsuot ng coat-and-tie, kaliwa’t-kanan ang social media accounts at lahat na ng mga nabanggit na halimbawa. Ang nais ko lamang po sigurong bigyan ng diin ay ang kasimplehan - sa pananalita, sa pananamit, sa kilos, sa paraan ng pamumuhay ay minsan ding naging tatak ng ating pagka-Pilipino. Ang ating mga ninuno, lolo at lola, at mga magulang, hindi ba’t naging ehemplo sila ng pagka-Pilipino dahil sa kasimplehan ng kanilang paraan ng pamumuhay noon?

Sabi nga sa isang awitin, tatanda at lilipas din ako - yan marahil ang sinasabi na sa atin ngayon ng mga nakatatanda sa atin; Tayo ang kasalukuyang henerasyon. Sa paglipas ng panahon, nagbago na rin ang ating paraan ng pamumuhay, ang mga values at lahat na. Bunga ng paglipas ng panahon ang modernong teknolohiya na ginagamit natin sa araw-araw, maging sa pagsusulat ng inyong lingkod ng akdang ito. Nakalulungkot isipin, na nahihirapan na rin tayong panatilihing buhay at ipamana sa susunod na henerasyon upang kanilang ipagpatuloy ang ating kultura, tulad ng mga palaro ng ating lahi. Ang mga palarong tulad ng luksong-baka, luksong tinik, piko, sungka, tiyakad, shato, patintero, taguan, doktor kwak-kwak, sipa, habulan at iba pang mga nilalaro natin nung kabataan natin ay napapalitan nina plants vs. zombies, angry bird, flappy bird, farmville, candy crush, Clash of Clans at iba pang mga modernong elektronikong laro.

Lumilipas ang panahon kaya nagkakaroon ng mga pagbabago. Ang minsang simpleng pamumuhay ay naging kumplikado. Kaya ngayon, kinakaharap din natin ang kumplikado at may kahirapang hamon na panatilihing buhay ang kulturang Pilipino.

Quezon’s Code of Citizenship and Ethics - Alam pa ba natin ito?

Quezon’s Code of Citizenship and Ethics - Alam pa ba natin ito?

DISCLAIMER: Ang nakasaad dito ay pawang opinyon lamang ng may-akda sa abot ng kanyang kaalaman at kakayahan. Maraming Salamat po!


https://thepinoysite.files.wordpress.com/2014/08/manuel-l-quezon-code-of-ethics.jpg

Sa mga panahong isinusulat ko ang sanaysay na ito, Kasalukuyang lumalaban ang ating mga pambatong manlarlaro at atleta sa isang pangrehiyon na patimpalak, at higit sa lahat, ilang araw na lamang ay muli nating ipagdiriwang at sasariwain ang ating kasarinlan.

“Proud to be Pinoy“, “Proud to be a Filipino“, yan ang mga madalas nating nakikita sa mga comments sa social media sa tuwing ang isa nating kababayan ay nagwawagi sa mga patimpalak at nagdadala ng karangalan sa ating bansa ika nga.

Napakasarap pakinggan ng mga salitang ito, na ani mo’y talagang nilalasap natin at sadyang ipinagmamalaki ang ating pagiging isang Pilipino. Pero matanong ko lamang po, mga kababayan, sa tuwing inaawit natin ang ating pambansang awit o hindi naman kaya’y sa tuwing sinasabi natin ang mga salitang “Proud to be Pinoy“, ito po ba ay nagmumula sa kaibuturan ating mga puso, o dahil sumasakay lamang tayo sa sitwasyon o emosyon? At gaano nga po ba katotoo ang ating pagmamalaki sa ating pagka-Pilipino?

Pasensya na po, opinyon lamang ng inyong lingkod dahil na rin sa pagmamasid sa paligid, pero tila nawawala na po sa bawat isa sa atin ang Patriotism o ang pagmamahal sa ating sariling bayan. Ang diwa ng pagiging isang tunay na Pilipino, bihira kung hindi man tuluyang hindi na nakikita sa atin ngayon ang diwa ng pagiging isang Pilipino. Sabihin ninyo na po sigurong mali ang aking naging assesment, pero siguro nga po ay hinahamon ng sanaysay na ito ang bawat isang makababasa nito na panatilihin kung hindi man ay buhaying muli ang diwa ng pagka-Pilipino sa ating mga sarili.

Dahil na nga rin po sa makabagong teknolohiya tulad ng internet at social media, marami nang impormasyon ang madaling makapasok sa ating isipan. Sa simpleng pagbrowse ng mga kung ano-ano sa social media, tila naiimpluwensyahan na nito ang ating mga kaisipan. Hindi naman maikakaila na ito ay maaaring para sa ikabubuti natin o ikapapahamak. Samahan pa rin siguro natin ng ilang mga taon na pagkakasakop sa atin ng mga dayuhan na nakaimpluwensya sa ating kultura.

Isa pa pong karagdagan na, muli po ay sa opinyon ng inyong lingkod, kung bakit nawawala ang pagka-Pilipino sa ating mga sarili ay ang hindi natin pagkakaunawa at pagkakaalam sa Quezon’s Code of Citizenship and Ethics. Para po sa kabatiran natin, kung ang relihiyon ay may Sampung Utos ng Diyos, sa naturang kodigo ay may labing-anim na prinsipyo na tumatalakay kung paano ang pagiging isang tunay na Pilipino.

Ang naturang kodigo po ay maaaring makita dito:
http://www.quezon.ph/familyinfo/quezons-code-of-citizenship-and-ethics/ para sa wikang Ingles

at dito naman po:
http://www.affordablecebu.com/load/philippine_government/kodigo_sa_pagkamamamayan_at_kagandahang_asal_ni_quezon/5-1-0-1826 para sa pagsasalin sa ating sariling wika.

Mapapansin po na ang naturang kodigo ay nilikha noon pang 1939. Maaaring sabihin ng iba na ito ay sala at wala na sa panahon. Ngunit, kung atin po sigurong susuriin at uunawain ang mga nakasaad dito, masasabi naman po siguro natin na ito ay isang panghabangbuhay na prinsipyong dapat nating isabuhay at pahalagahan.

Sa pagsasaliksik ng inyong lingkod, partikular sa ating kasalukuyang saligang batas, na may mga probisyon naman po o pagtalakay patungkol sa pagiging makabayan, pero siyempre, kung hindi po ako nagkakamali, ay ang mga kumukuha ng abogasiya ang siyang mga nakapagaaral tungkol sa ating saligang batas. Mapwera na lamang kung may Political Science sa kinukuhang kurso. Ang mga ginamit pang mga pananalita, lalo pa sa wikang ingles ay tila may kalaliman na kahit ang inyong lingkod ay nahirapan din na unawain at intindihin ang mga komplikadong mga pananalitang ito.

Gayundin po, sa mga pasimula ng mga artikulo at mga seksyon ay makikita ang mga katagang “The State shall..” na para po sa palagay ng inyong lingkod, ay bagamat pangunahing tungkulin ng ating pamahalaan, ay ganoon na nga po siguro ang nangyayari at ipinauubaya na lamang natin sa pamahalaan ang lahat at tila wala nang katungkulan o pakialam ang mga mamamayan. Kung ihahambing po natin sa Code of Citizenship and Ethics, sa pamamaraang kung paano ito ipinararating sa atin, ay tila ito ay tungkulin nating lahat.

Aaminin po ng inyong lingkod na sa Kolehiyo ko lamang po nalaman na mayroon po palang ganitong Quezon’s Code of Citizenship and Ethics.

Sa ganitong diwa po, hayaan nyo po sana akong magbigay ng aking pananaw ukol sa naturang kodigo.

Ang unang prinsipyo po ay may patungkol sa paniniwala sa Diyos. Mapa-Kristyano man po o mapa-Muslim, tayo naman po siguro ay naniniwala na may Diyos na lumikha sa lahat. Nakakabahala lamang po isipin na sa may ilan na rin po akong nababasang mga artikulo sa internet kung saan ay sinasabi na ayon sa pagsasaliksik ay may mga kabataan, nangangahulugan na tumutukoy sa kasalukuyang henerasyon, ang hindi naniniwala sa Diyos o may kaisipan na walang Diyos. Isama na rin po siguro natin ang mga taong gumagawa ng karumal-dumal na mga krimen na tuwing ating mababalitaan ay mapapaisip tayo at magsasabing: “May kinikilala pa kayang Diyos ang mga taong ito?”.

Ang ikalawang prinsipyo ay tumatalakay naman sa pagmamahal sa ating inang bayan. Paano nga ba natin ipinapakita ang ating pagmamahal para sa ating bayan? Nakasaad din sa talatang ito, ang ikalawang prinsipyo, ang pagtatanggol para sa ating inang bayan. Ang ating sandatahang lakas, mula sa mga sundalo at kapulisan, ito ang kanilang sinumpaang tungkulin. Hindi nga ba’t sa mga huling pananalita ng ating pambansang awit, nasasaad doon na: “Ang Mamatay ng Dahil Sa’Yo!” Sa kasalukuyang panahon, kung saan patuloy ang mainit na isyu ng reclamation sa mga pinagaagawang mga teritoryo sa ating karagatan, kung magkaroon man ng hindi maiiwasan at nakaambang digmaan, nakahanda kaya tayong magbuwis ng buhay para sa ating inang bayan?

Ang ikatlong prinsipyo naman po ay tumutukoy sa ating saligang batas at ang kasunuran dito. Sa social media po ay nagiging mainit na ring talakayan kung bakit ang ating bansa ay napapagiwanan na at hindi umuunlad. Nariyan ang iba’t-ibang mga kuro-kuro tulad ng mga dahil sa pagkakahalal sa mga hindi karapat-dapat na mga lingkod bayan, o hindi naman kaya ang maling sistema ng ating pamahalaan. Anuman po ang ating naiisip na dahilan ay marahil may punto naman po ang lahat. Siguro lang po, sa isang simpleng pamamaraan, magsimula sa atin, sa mga mamamayan - ang pagsunod sa batas.

Nakalulungkot lamang pong isipin na ang pinakasimpleng mga batas, batas na may kinalaman sa trapiko, sa pagtatapon ng mga basura, o kaya mga ordinansa sa ating mga lokalidad, ay hindi natin masunod. Gayundin, nakalulungkot isipin na may mga tao na kung umasta o kumilos akala mo ay higit pa sila sa batas. Dito po sa ikatlong prinsipyo ay nasaad na “The government is your government.” Nangangahulugan lamang po siguro hindi ba na bigyan din naman natin ng kaukulang paggalang ang mga awtoridad. Bukod sa mga simpleng sibilyan na kung umasta ay akala mo kung sino at higit pa sa batas, may mga pagkakataon pa din naman na ang mga tagapagpatupad pa sana ng batas at mga tagapagtanggol ng mga mamamayan ang siyang hindi pa nakasusunod dito. Kung may paggalang at respetuhan lang din sana tayo sa isa’t-isa, hindi ba’t wala tayong masasaktan at wala ding makakapanakit sa atin?

(bakit ang mga simpleng batas? Hirap na hirap tayong sundin. Kung ano pa ang bawal ay siya pang ating ginagawa? Nakalagay na nga: BAWAL TUMAWID DITO ay doon pa tayo mismong tumatawid at ani mo ay nakikipagpatintero sa mga humaharurot at rumaragasang mga sasakyan?)

Ang ikaapat ay tumutukoy sa pagbabayad ng buwis. Bilang mga manggagawa at mga ordinaryong mga mamamayan, tayo ay nagbabayad ng mga buwis. Mula sa mga kinakaltas sa ating sweldo hanggang sa pagbabayad sa mga produkto at serbisyo sa iba’t-ibang establisimyento, may binabayaran tayong buwis. Ang buwis, sa ating pagkakaalam, ang siyang nagiging kabuuang pondo ng ating pamahalaan para sa iba’t-ibang mga proyekto para sa kapakanan ng bayan - na sa kasamaang palad ay nakukurakot ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan. Sa tuwing nagkakaroon ng isyu tungkol sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, nariyan ang sentimyento ng ating mga kababayan. Gayundin, sa mga usapin na kung saan sa ating palagay ay naaapakan ang ating mga karapatan, ipinahahayag natin ang ating mga hinaing. Sayang ang pagbabayad natin ng buwis ika nila. Nayuyurakan ang ating mga karapatang pantao sabi ng iba. Totoo naman at may punto rin sila. Pero ang pagbabayad ng buwis ay isa lamang sa ating mga pananagutan sa ating bayan, ang iba nga ay hindi makapagbayad ng tamang buwis o hindi kaya ay tinatakasan pa ito. Hindi ba’t karugtong ng ikaapat na prinsipyo ang ating pagkamamamayan ay hindi lamang tumutukoy sa ating mga karapatan kundi pati na rin sa ating mga tungkulin at pananagutan para sa ating bayan. Sabi nga ng isang Pangulo ng isang bansa: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country” (John F. Kennedy). Hindi ba’t pwede rin naman nating gamitin ang kahalintulad na pananaw at prinsipyo para sa ating inang bayan? Tulad nga po ng nabanggit kanina, simulan po natin ang ating mga pananagutan sa simpleng kasunuran sa ating mga batas. Harinawa po ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng disiplina.

Ang ikalima ay tumutukoy sa kagustuhan ng nakararami, majority wins ika nga. Ang halalan marahil ang matibay na halimbawa ng prinsipyong ito. Pumipili tayo ng mga kandidato na siyang Naglilingkod sa ating bayan, ihinahalal natin sila at kung sino ang napupusuan ng karamihan ay siyang nailuluklok sa iba’t-ibang mga pwesto sa pamahalaan. Pinananawagan po ng kodigo na panatilihin ang kalinisan ng halalan, kaso, yun nga po ba ang nangyayari? Nananatili bang malinis ang ating mga halalan? Sa mga panahong nililikha ng inyong lingkod ang sanaysay na ito, kumulang sa isang taon na lamang po at muli ay halalan na. May karampatang panahon pa naman po siguro upang paghandaan natin ito at makapagdesisyon ng tama. Sa kabilang dako naman po, kung tungkol naman po sa ibang mga usapin sa lipunan, tama pa po bang sabihin na kung ano ang nais ng karamihan ay siya na nga bang tama at makakabuti para sa ating lahat? O nagiging katulad na rin ba tayo ng mga kinasusuklaman nating mga trapo na pangsariling interes lang ang inaasam?

Ang ikaanim ay patungkol sa ating pagmamahal at paggalang sa ating mga magulang. Nakalulungkot po na may mga anak na pabalang na sumasagot sa kanilang mga magulang. Hindi na rin gumagamit ng PO at OPO sa tuwing nakikipagusap sa kanila. Harinawa po ay bigyan natin sila ng kaukulang paggalang, hindi lamang po siguro sa ating mga magulang kundi pati na rin sa mga higit na nakatatanda sa atin. Panatilihin din po natin ang kultura ng pagmamano bilang tanda ng paggalang sa ating mga magulang at nakatatanda.

(atin po sanang panatilihin ang magandang kaugalian tulad ng pagmamano at ang paggamit ng po at opo)

Ang pangpito ay tumutukoy sa ating karangalan. Idinagdag pa rito ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa ating karangalan laban sa kayamanan o salapi. Tunay na may kahirapan ang ating buhay sa kasalukuyang panahon. Sa sobrang taas ng presyo ng mga pangunahin bilihin, karamihan sa ating mga kababayan ay tila nagiging problema na kung paano mabubuhay sa araw-araw. Kaya nga ang iba, kapit sa patalim. Nagiging laman ng balita ang ating mga kababayan na napipilitang magnakaw, ang kanilang dahilan, dala ng matinding pangangailangan. Gayunpaman, mali pa rin ang magnakaw, the end does not justify the means ika nga. Sa kabilang dako, nariyan ang mga trapo, na kung tutuusin ay sa tuwing ia-address sila pamamagitan ng kanilang titulo, ay ang salitang HONORABLE ang ating ginagamit. HONORABLE nga bang maituturing kung sila naman ay nagnanakaw sa kaban ng bayan at hindi ginagawa ang kanilang tungkuling maglingkod sa bayan at sa mga mamamayan nito?

Sa pangwalong prinsipyo ay tinatalakay ang katapatan. Marami sigurong tatamaan sa tinutukoy dito, mapa-nasa pamahalaan o kaya ay simpleng mamamayan. Gaano nga ba tayo nagiging tapat at totoo sa ating mga sarili at sa ating kapwa? Aminin na natin na kahit sa mga pinakasimpleng mga bagay ay gumagawa tayo ng mga pamamaraan upang makalamang sa ating kapwa. Sa darating na halalan, ang mga kumakandidato ay lumalaban pa ng patas upang maluklok sa pwesto sa isang pamamaraang malinis o gumagamit ba sila ng mga baluktot na mga pamamaraan? Nagiging patas at pantay rin ba tayo sa ating pakikisalamuha? Masakit pero totoo, aminin na natin, na sa mundo ng Social Media madalas agad tayo magreact sa mga nakikita nating mga posts kahit naman hindi pa natin lubusang nalalaman at nauunawaan ang kabuuang kwento. Sa madaling salita, nagiging mapanghusga tayo.

Ang ikasiyam na prinsipyo ay may patungkol sa ating paraan ng pamumuhay. Tunay na malaki ang kaibahan ng paraan ng pamumuhay noong 1939 kaysa 1987 hanggang sa mga panahong ito. Hindi naman maikakaila na napakasimple lamang ng pamumuhay noong unang panahon samantalang ngayon e medyo kumplikado na. Hindi naman masama ang maghangad ng kaginhawaan at kaunting kariwasaan sa buhay, basta ang pagunlad at pagasenso ay ating makakamit sa isang malinis at marangal na paraan. Hindi rin naman masama ang magtaglay ng ilang mga materyal na bagay, tulad sa panahon natin ngayon, ang mga gadgets tulad ng mga cellphone, tablet at laptop. Ang nakasasama marahil ay ang sobrang luho. Kadalasan nga, kahit medyo kinakapos na sa buhay ay inuuna pang bilhin at tugunan ang luho kaysa mga pangunahing pangangailangan. Sa sobrang pagmamalaki, ibinabandera pa natin ang ating mga alahas, mamahaling mga kagamitan at lahat na, pero ating alalahanin din na ito ang maaaring pagugatan ng tukso mula sa mga kawatan at masasamang loob at maaaring maging mitsa pa ng ating sariling buhay. Ang huling bahagi ng ikasiyam na prinsipyo ay may patungkol sa pananamit. Na harinawa ay maging simple lamang daw tayo sa ating pananamit at maayos sa pagkilos at paguugali. May kainitan ang panahon ngayon kung kaya’t ang isinusuot natin ay kung ano ang maginhawa sa ating pakiramdam. Sa mga kababaihan, nariyan ang pagsusuot ng mga shorts at mga sleeveless na blouse.

Tandaan po sana natin ang Law o Principle of Action and Reaction. Bagamat ito ay may patungkol sa siyensiya at maaaring teknikal ang ibig sabihin, sa ibang pananalita o lay-man’s terms, anumang gawain natin ay may kaukulang reaksyon o feedback. Lumabas ka ng inyong bahay na naka-shorts lamang, sando na medyo plunging na ang neckline at sa kasamaang palad ay medyo nagrereveal na ng konting cleavage, hindi ba’t malaki ang posibilidad na ang mga tambay sa inyong lugar ay titingin sa inyo ng tila may pagnanasa at minsan ay sisipol pa? Siyempre natural lang na magalit kayo dahil sa pakiramdam ninyo ay nabastos kayo, pero hindi ba’t natural lang din na naging ganoon ang reaksyon ng mga tambay o mga kalalakihan dahil sa nakita nila (oo ganyan na ang ating lipunan..)?

Subukan ninyong mag-eksperimento, magsuot kayo ng hindi maiksi, pantalon siguro, blouse na hindi masyado nageexpose ng skin, at sa malamang ay hindi na ganoon ang magiging reaksyon ng mga makakakita sa inyo. Kung ang iyong hangarin naman sa pagsusuot ng mga mapupusok na pananamit ay para mapansin ka, at ayan na nga sinisipulan ka na ng mga kalalakihan, congratulations! Ayan na ang inaasam mong pagpansin sa iyo ng mga tao sa paligid mo, yun nga lang, ang kanilang paraan ng pagbibigay sa iyo ng pansin ay maaaring hindi kaaya-aya sa iyo. Tandaan, kung nais mong igalang at irespeto ka ng mga taong nasa paligid mo, siguraduhin namang ikaw ay kagalanggalang sa ayos at sa kilos. Paalaala rin hinggil sa ibayong pag-iingat, hindi siguro sapat na sabihin na kaya ninyong ipagtanggol ang inyong mga sarili. May mga pagkakataon na mag-isa ka lamang laban sa maraming masasamang elemento sa ating kapaligiran.

Sinasabi din dito na huwag tayong mapagkunwari. Nakalulungkot kasing isipin na double-standards tayo bilang mga tao. Hindi ba’t sabi sa isang awitin: kung ano ang hindi mo gusto, huwag gawin sa iba? Nagagalit tayo kapag nilait o binully ang mga kakilala natin o mismo ang sarili natin. Pero, kapag gumanti tayo, sa parehas na pamamaraan lang din naman tayo gumaganti hindi ba? Minsan nga, mas masahol pa. Kung ganyan lang din naman po ang kalakaran natin, hindi ba’t pare-pareho tayong mga HIPOKRITO?

Ang ikasampu ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa kultura at pamana ng ating mga ninuno. Tuwing ika-12 ng Hunyo ay ating ginugunita ang paglaya ng ating bansa mula sa matagal na panahong tayo ay sinakop ng mga kastila. Kaalinsabay sa pagdiriwang na ito ang paggunita natin sa iba’t-ibang mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay upang makamtan natin ang kasarinlan. Dala na nga rin siguro ng paglipas ng panahon kaya nagkaroon ng mga pagbabago sa ating mga nakagawian at kultura. Pero sana naman, ang magagandang nakaugalian at mga pamana ng ating mga ninuno, panatilihin nating buhay upang maipamana pa sa mga susunod na salinlahi.

Ang Ikalabingisa ay tumutukoy sa kasipagan. Huwag sana tayo maging tulad ni Juan Tamad. Sa mga panahon kasi ngayon, masyado na tayong nagiging pala-asa sa teknolohiya. Oo, nariyan ang mga makabagong teknolohiya upang mas mapadali o mas mapabilis ang proseso ng paggawa ng isang bagay. Pero ang nagiging masamang dulot ng teknolohiya ay ang masyadong pagkaasa natin dito at nagiging tamad. Halimbawa, may pupuntahan tayo sa loob ng ating subdibisyon na tatlong kanto lang naman ang layo. Maaari tayong maglakad para makarating sa paroroonan.

O hindi naman kaya ay magbisikleta para mas mabilis. Ngunit ang masahol ay gumagamit pa ng sasakyan tulad ng motorsiklo o kaya kotse, sayang ang gasolina. Kadalasan kasi, nahihiya na tayong gumamit ng mga makaluma o mano-manong pamamaraan sa paggawa ng mga gawain. Ibinabalandra natin ang mga bagong makinarya upang magmayabang at magmalaki. Sa paglalaba, gumagamit na ng washing machine sa halip na magkusot. Gumagamit ng rice cooker sa halip na makalumang paraan ng pagsasaing gamit ang kaldero. Paano kung walang kuryente o kaya pumalya ang mga makinarya at kagamitang ito? Hindi na natin magagawa ang mga simpleng gawain na ito? Kaya mas makabubuti pa rin na may kaalaman at kasanayan tayo sa mga old-school na mga pamamaraan.

(huwag nating ikahiya ang manu-manong paggawa, basta tayo ay kumikita sa malinis na pamamaraan)

Tunay na ang paggawa ay nakatutulong sa ekonomiya ng ating bansa. Subalit sa kasamaang palad, ang ating mga may-kakayahan at may-kasanayan na mga manggagawa, mga skilled workers kung tawagin, isama pa ang mga nurse, mga engineers at iba pang mga magagaling na mga propesyonal ay mas pinipili na magtrabaho sa ibang bayan sa kadahilanang mas malaki ang sweldo doon. Mga banyagang bansa ang nakikinabang sa kagalingan, katalinuhan at kasanayan ng ating mga kababayan, o yung tinatawag na Brain-Drain.

(nakakalungkot lamang isipin na marami ang nagnanais na makapag-abroad - dahil mas malaki ang sahod doon. Mas mabili na yayaman at giginhawa ang buhay)

Ang panglabindalawa ay tungkol naman sa ating sariling kakayanan. Hindi ba’t mas masarap lasapin ang tagumpay kung ito ay nagmula sa ating sariling pagsisikap, pagbubuwis ng dugo at pawis? Ngunit sadya rin naman na may mga ilan sa atin na kahit hindi naman nag-Masteral eh mga MBA (May Backer Ako). Ginagamit ang mga koneksyon sa loob ng opisina o ahensya upang mas mapabilis ang isang proseso o paboran ang sarili. Minsan nga, gumagamit pa ng suhol, under the table, lagay at lahat na. Sa ganitong sistema at kalakaran, hindi ba’t isang uri na ito ng kurapsyon? Hindi ba’t isa na rin itong paraan ng panlalamang at pandaraya sa ating kapwa, yung iba nga eh matiyagang naghihintay sa mahahabang pila samantalang ang iba ay pa-VIP.

Kung sabagay, napipilitan din kasi ang iba na gumamit ng mga ganitong taktika dahil na rin sa mabagal na serbisyo ng ibang mga opisina. Kaya nga siguro, panawagan na rin sa mga ahensya ng pamahalaan na harinawa ay maibigay ang isang mabilis at epektibong serbisyo para sa tao. Hindi naman masama ang humingi ng tulong dahil nga sa no man is an island ika nga, darating at darating ang panahon na kakailanganin din natin ang tulong mula sa ating kapwa. Ang iba kasi, masyadong ma-pride. Sasabihin eh: naku huwag na at magiging utang na loob ko pa yan sa iyo. Kung ikaw ay natulungan ng iyong kapwa, maging mapagpakumbaba at magpasalamat, matutong tumanaw ng utang na loob. Ang iba kasi, natulungan na nga, di man lang marunong magpasalamat at “hu u?” pa ang taong tumulong. Iniiaasa na lamang natin sa ibang tao ang lahat ng gawa para sa kapakinabangan natin at makuha ang ating gusto, samantalang hindi naman natin ginagawa ang ating share upang makamit ito. Tandaan, mas matamis ang tagumpay kung ito ay iyong pinagsikapan, na hindi ka nanlalamang, nanggagamit, nanlilinlang, nanloloko o nanglalaglag ng iba.

Sa ikalabintatlong prinsipyo, tinutukoy ang pagbibigay ng kabuuang kagalingan sa isang ginagawa. To the best of your efforts ika nga. Gawin natin ang ating trabaho ng masaya at ng buong kalooban, hindi yung tipong napipilitan ka lang. Kapag napipilitan lamang kasi tayo na gawin ang isang trabaho o bagay, yung focus natin ay hindi buo, kaya ang nagiging resulta, hindi pulido ang finished product. Parang sa prutas na mangga, ang iba ay kinakalburo o hinihinog sa pilit, kaya ang kinalalabasan, maliit na, kulubot pa. O kaya naman sa sinaing, kapag sunog o tutong na, sayang. Sayang ang bigas, sayang ang gatong. Kung hilaw man eh maaaring dagdagan ng konting tubig at ininin pa ng konti para ayos ang sinaing. Huwag madaliin at bastahin na lamang ang ginagawa. Dapat laging pulido. Iwasan na rin natin na ipagpaliban ang pwede na nating gawin sa mga sandaling ito o yung MaƱana (Mamaya Na) Habit.

Ang ikalabingapat ay may patungkol sa atin at sa pamayanan. Tayo bilang mga mamamayan ay may mga karapatan gayundin may mga pananagutan at responsibilidad sa para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bayan. Ang hirap kasi sa atin kung minsan, puro reklamo tayo pero hindi rin naman natin ginagawa ang ating mga tungkulin bilang mga mamamayan para sa ikauunlad ng ating pamayanan. Simpleng mga batas hindi natin sinusunod. Hindi tayo nakikiisa at sumusuporta sa mga programa ng ating pamahalaan. Kadalasan, playing safe tayo at sinasabi na laman sa ating mga sarili at sa iba na wala na lamang tayong pakialam. Hindi ba’t sa pagsasabi natin na: “wala akong pakialam..”, nagiging makasarili tayo? Ayaw nating makilahok at makisangkot dahil natatakot tayo na madamay? O hindi dahil kaya ayaw nating makisangkot dahil sa palagay natin ay wala naman tayong mapapala dito? Kung magkagayon, ano ang ipinagkaiba natin sa mga trapong walang iniisip kundi ang pansariling interes lamang? Sa panahon ngayon ng internet at social media, hindi po masama na ibahagi ang mga makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng pag-LIKE at pag-SHARE. Pero kung ang isang aktibidad, adhikain o pagkilos ay nangangailangan ng suporta sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok, pagdalo, at partisipasyon, ay huwag naman po sana tayong magtago na lamang sa likod ng mga computer monitor at keyboard (Mga Keyboard Warriors ika nga). Sa akin nga pong pananalita, Be more of a Citizen than a Netizen. Tayo po ay nasa Bansang Pilipinas at wala sa Republika ng Facebook o Twitter-verse. Iba pa rin po ang epekto ng simpleng pagdalo at pakikisangkot sa mga adhikain at programa (power of presence).

(matuto sana tayong makisangkot, makihalubilo at makilahok. Huwag maging WAPAKELS o nagtatago lamang sa likod ng keyboard)

Ang panlabinglima ay may patungkol sa pagtangkilik sa mga produkto na sariling atin. Sa mga panahon ngayon kung saan mainit ang talakayan tungkol sa territorial disputes sa West Philippine Sea, mangilan-ilan na rin ang panawagan sa social media tungkol sa pag-boycott sa mga produkto na gawa sa bansang nangbu-bully sa atin. Bagamat maganda ang adhikain, pero ang realidad na kung saan halos lahat ng mga produktong mabibili sa merkado, tingnan mo ang nakalagay: Made In China. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na kaya sa bansang Tsina ipinagagawa at pinapa-assemble ang karamihan sa mga produkto ay sa kadahilanang mura ang cost of labor. At siyempre bilang isang mamumuhunan at negosyante, mas pipiliin ang kung saan ay higit na makatitipid o mas maliit ang gastos. Nakalulungkot din isipin na nananalaytay pa rin sa ating mga Pilipino ang colonial mentality. Aminin natin na mas tinatangkilik natin ang mga produkto ng ibang bansa kaysa mga produktong gawang sariling atin. Sa larangan ng entertainment, hindi ba’t panay ang import natin ng mga Korean Novela, Tsinovela at lahat na ng Asian Novelas upang ipalabas sa telebisyon? Dinu-dub na lamang sa wikang Filipino upang maintindihan ng ating mga manonood. Ang atin kayang mga sariling Telenovela at palabas, nae-export naman kaya sa ibang bansa upang panoorin at subaybayan din ng mga banyaga? Sa larangan ng musika, sas mga Music Video Channels na kung saan ang mga host ay mga Pinoy din naman, nakalulungkot isipin na ang mga namamayagpag sa mga Top 10 o Top 20 at lahat na ng mga countdown, ay yung mga awitin ng mga banyagang music artists, mapa-Western man o K-Pop. Nakita ko pa nga ang isang imbitasyon kung saan hinihimok ang ilan sa ating mga kababayan na mag-audition upang magwagi ng isang training at kontrata upang maging susunod na K-POP sensation. Nahuhumaling tayo sa mga musikang hindi din naman natin maintindihan ang mga lyrics, siguro nga napapasabay lang tayo sa beat nito at gusto natin ang ating nakikita. Naisip ko lang, may awitin pa ba tayo sa panahon ngayon na maihahalintulad sa awiting ANAK? Maaaring hindi na ito alam ng kasalukuyang henerasyon, subalit sang-ayon sa pagsasaliksik, ang awiting ito, na masasabing sariling atin dahil na rin sa isang kababayan natin ang lumikha, sa kagandahan ng mensahe na nais nitong iparating ay isinalin sa iba’t-ibang lenggwahe upang magawan ng sariling bersyon ng mga banyaga. Sa isang Noon-Time Variety Show, hindi ba’t araw-araw ay may segment sila kung saan ang mga host ay natuturo at nagpapalitan ng mga terminolohiya sa kanya-kanyang sariling wika. Ang nabigyan ko po ng pansin ay ang exposure hinggil sa national costume o outfit, sa kadahilanan na ang mga host at ilang mga dancers ay nakasuot ng damit ng banyagang bansa. Halos araw-araw sa isang linggo, nasisilayan at naeexpose ang national costume ngbansang ito sa tuwing isasagawa ang segment na tinutukoy.

Sa mga kahalintulad na palabas, tuwing kelan kaya mabibigyan ng karampatang exposure ang ating sariling pananamit tulad ng Barong Tagalog? Tuwing may mga holiday lamang ba na may kaugnayan sa ating pagka-Pilipino at pagkamamamayan? Tuwing Linggo ng Wika lamang ba? Pag dating sa iba’t-ibang mga produkto, tulad ng mga damit, sapatos, electronic gadgets at iba pa, hindi ba’t mas nais natin ang mga mamahaling brand at imported kaysa mga locally-made na mga produkto, siguro nga dahil mas matibay, o hindi kaya dahil mas big time ang dating? Samantalang kapag local product daw eh CHEAP!

Ang panglabing-anim at kahulihang prinsipyo ay tumutukoy naman sa paggamit ng ating mga likas na yaman. Tunay na biniyayaan ng natural resources ang ating bansa. Sa kasamaang palad, ito ay inaabuso natin o hindi naman kaya ay hindi natin nagagamit ng wasto hanggang sa ang mga banyaga pa ang nakikinabang sa mga ito. Hindi nga ba’t kaya patuloy ang reclamation ng isang malaking bansa sa ating kontinente dahil na rin sa mga likas na yaman sa mga lugar na sadyang sakop naman ng ating bansa. Ang mga buhangin sa mga dalampasigan natin, na mayaman sa silicon na siyang pangunahing sangkap upang makalikha ng mga semiconductor na siyang nagbibigay daan sa mga electronic gadgets na ating ginagamit. Nakakalungkot lamang isipin na ang mga dayuhang mamumuhunan ang mga nakikinabang sa mga likas na yaman ng ating bansa na kung iisipin ay libre namang biyaya at binibigay sa atin ng kalikasan. Bagamat pinipilit ng ating bansa na makipagsabayan sa mga progresibong mga bansa, nakakatako lamang isipin na sa panahong dumating na kaya na ng ating bansa na tumayo sa sariling mga paa ay ubos na ang mga likas na yaman ng ating bansa, dahil na rin siguro sa kapabayaan natin. Sa panghuling pangungusap ng ika-16 na prinsipyo ng kodigo, sinasabing: “huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan”. Maaaring iba ang interpretasyon ng inyong lingkod kumpara sa iba, pero para po sa akin ang ibig sabihin nito ay huwag mong talikuran ang iyong pagka-Pilipino. Minsan nakita ko sa isang  advertisement sa telebisyon na “Be The Next Migrant Worker“, kung saan hinihikayat ng patalastas ang ating mga kababayan na mangibang bansa upang magtrabaho.

Normal nang scenario na ang ating mga kababayan ay nag-iibang bansa upang doon magtrabaho, sa kadahilanang mas malaki ang sweldo sa ibang bansa at mas mabilis nilang makakamtan ang tinatamasang kaginhawaan sa buhay. Sa paglipas ng panahon at dahil na rin sa tagal ng kanilang pamamalagi sa bansang pinagtatrabahuhan, nag-a-apply na ng residency o green-card o anuman.

Ang resulta, dual-citizenship. Sinasabi na maganda ang mga benepisyo kapag naging ganap nang mamayan ng banyagang bansa. Ito po marahil, sa aking palagay, ang tinutukoy na huwag gawing kalakal ang pagkamamamayan. Na bukod sa pagiging Pilipino, huwag na nating haluan ng ibang pang citizenship. Nangingibang bansa ang ating mga kababayan na animo’y nawawalan na ng pag-asa at tiwala sa pag-unlad ng ating inang bayan. Kung mismong tayong mga Pilipino, nawawalan ng tiwala at pag-asa sa ating inang bayan, hindi nga nakapagtataka ang dinaranas nating pagbagsak at pagkalugmok.

Tulad po ng nabanggit kanina, sa Kolehiyo ko lamang nalaman na mayroon po palang ganitong kodigo. Sa pakikipagusap din sa ilang mga kaibigan at mga kakilala, minsan na rin nilang nabanggit na hindi sila pamilyar sa kodigong ito. Ngayon, alam na po natin na may ganitong kodigo tungkol sa ating pagkamamamayan, bagamat malaki ang pagitan ng 1939 sa kasalukuyang taon, sana ay isabuhay natin ang mga prinsipyong itinuturo nito.

Mahalin natin ang ating sariling bansa dahil tayo rin namang mga mamamayan ang unang magmamahal sa kanya. Ikarangal natin ang ating bansa at ang ating pagkamamamayan sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mabubuting bagay tungkol sa ating bansa at kultura.

MABUHAY ANG PILIPINAS AT ANG MGA PILIPINO!